Posted at 11/29/2010
MANILA, Philippines - Puspusan na ang paghahanda nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto sa kanilang nalalapit na kasal sa 2011, pero limitado lamang ang kanilang inilalabas na detalye sa publiko lalo pa’t gusto nila itong gawing pribado.
Sa pinakabagong isyu ng Star Studio Magazine December issue, ini-report ang tungkol sa pagmamahalan nina Hermosa at Sotto at ilang detalye sa nalalapit nilang kasal.
Ayon umano sa magazine, nagkakilala ang dalawa noong 2004 sa shooting ng “Enteng Kabisote, OK Ka Fairy Ko The Legend” pero sinabi nila na wala pa silang atraksyon noon sa isa’t isa. May iba pang ka-relasyon noon si Sotto na si Angel Locsin habang si Hermosa naman ay si Diether Ocampo.
Noong sumunod na taon, 2005, ay pareho na silang single pero nanatili lamang silang magkaibigan. Noong 2006 at third installment na ng “Enteng Kabisote” nang magsimula na umano ang pagkakaroon ng special feelings ni Sotto kay Hermosa. Pero kahit umano nagdi-date sila noon ay sinasabi nilang magkaibigan lamang sila dahil ayaw raw nila ng label.
Setyembre 2009 at 26th birthday ni Hermosa nang mag-propose na ang aktor sa kanya.
Sinabi umano niya, “Ayoko nang maghiway tayo. Gusto kitang mahalin habambuhay,” at sabay umanong ibinigay ang singsing kay Hermosa. Sumagot naman daw ng ‘oo’ agad ang aktres. Agad-agad umano nilang sinabihan ang kanilang mga magulang na wala namang pagtutol sa kanila.
Kabilang umano sa mga principal sponsors nila ay sina ABS-CBN president Charo Santos-Concio, Star Magic founder Johnny Manahan at T.A.P.E Inc. Senior Vice President Malou Choa-Fagar.
Ang nakatatandang kapatid ni Hermosa na si Kathleen ang bridesmaid at kapatid ni Sotto na si Danica Sotto at asawa nito na si Mark Pingris ay kasama din sa mga abay bilang veil sponsors.
Hindi naman nasabi kung saan gagawin ang kasal na inaasahang sa Enero umano magaganap pero ito raw ay out-of-town na maaaring gawin sa Tagaytay o kaya naman ay isang beach wedding. Tinatayang 150 guests lamang ang inimbitahan.
“Mga kapamilya niya (Oyo) at mga kapamilya ko [ang pupunta]. Very simple and intimate wedding and very private,” sabi ni Hermosa sa interview.
No comment
Samantala, tumanggi nang magkomento ni Ocampo sa nalalapit na kasal ni Hermosa na sinasabing gaganapin sa Enero 11, 2011.
"Bumili na lang kayo ng pizza, " ika ni Diet sa kanyang paglulunsad noong Linggo bilang bagong poster boy ng United Nations para sa hunger eradication campaign.
Matatandaang na-decklarang null and void ang kasal nila ni Hermosa 2004 sa Nueva Ecija.
Loveless ngayon si Diet matapos ang break-up nila ng model na si Rima Ostwani pero sapat na daw na fulfillment ngayong Pasko ang kawanggawa niya para sa mga bata.
Noong Setyembre bago ang break-up nila ni Ostwani, pinauna ni Diet ang kanyang best wishes kina Sotto at Hermosa. –With The Buzz and ABS-CBN News
No comments:
Post a Comment