by Mario Dumaual, ABS-CBN News
Posted at 11/01/2010
MANILA, Philippines - Nagpasiklab ng ispekulasyon ang binitawang linya ng singer-composer na si Rey Valera noong Sabado sa “Pilipinas Win na Win.”
Noong Oktubre 30, nagpasalamat muna si Valera sa ABS-CBN para sa break na binigay nito sa kanya bago niya kantahin ang “Kung Tayo’y Magkakalayo.”
“At kung maghihiwalay na tayo, salamat,” aniya.
Pero ayon sa manager ni Valera na si Norma Japitana, walang ibig sabihin si Valera.
Emosyonal lang daw ang singer sa kantang "Kung Tayo'y Magkakalayo."
Iginiit din nina Marco Sison at Nonoy Zuñiga na solid ang samahan nila.
No comments:
Post a Comment